Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Manyakis, fencer, 2 extortionist tiklo

APAT na indibiduwal na pawang may paglabag sa batas ang isa-isang nahulog sa kamay ng pulisya sa Bulacan sa operasyong isinagawa hanggang kahapon.

Sa manhunt operation ng tracker team ng San Jose Del Monte CPS at RMFB 3, naaresto ang isang 19-anyos lalaki sa Brgy. Gaya-Gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Naaresto ang akusado sa krimeng rape, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Cristina G. Juanson, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 5-FC, San Jose Del Monte City, Bulacan, walang inirekomendang piyansa.

Samantala, isang 34-anyos lalaking suspek sa Brgy. Gumaoc Central, SJDM City, Bulacan, ay inaresto ng mga nagrespondeng tauhan ng San Jose Del Monte CPS dahil sa paglabag sa PD 1612 (ang Anti-Fencing Law) na nangyari sa Blk. 5, Brgy. Gumaoc Central, sa naturang lungsod.

Narekober mula sa suspek ang isang matte red na Nmax, may plakang 951UHK, nakarehistro sa nagreklamong biktima.

Sa Meycauayan City, dalawang lalaking suspek, ang naaresto ng mga nagrespondeng tauhan ng Meycauayan CPS matapos magpanggap na empleyado ng Meralco at mangikil ng pera sa biktima para sa ilegal na koneksiyon ng koryente.

Ang lahat ng naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit/station para sa tamang disposisyon.

Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, ang magkakasunod na operasyon ng pulisya sa lalawigan ay alinsunod sa marching order ng hepe ng PNP, na paigtingin, palakasin, at tutukan ang anti-criminality drive ng PNP, sa epektibong kautusan ni PRO 3 Director, P/BGeneral Jose Hidalgo, Jr. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …