Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Japan ginto sa Asian Age group women’s water polo

CAPAS, TARLAC — Umakyat ang Japan sa ikaanim na sunod na panalo nitong Sabado para angkinin ang gintong medalya sa 11th Asian Age Group Championships women’s water polo competition sa New Clark City Aquatic Center dito.

Si Skipper Shoka Fukuda ay naghatid ng nine goals habang si Kaho Shironoshita ay nagdagdag ng anim sa 24-6 panalo ng Japan laban sa Uzbekistan.

“I am very happy now. Thank you to all the teams which played against us,” sabi ni coach Tsubasa Mori, miyembro ng pambansang koponan mula 2012 hanggang 2016. Nakipagkompetensiya siya sa 2015 World Aquatics Championships sa Kazan, Russia.

Nakuha ng Thailand ang silver medal, tinalo ang Kazakhstan, 15-11, para sa ikalimang panalo laban sa isang talo.

Kinuha ng China ang bronze medal na may 4-2 kartada matapos mabunot ang 21-4 tagumpay laban sa Singapore.

Ang Kazakhstan ay pang-apat sa 3-3 na sinundan ng Uzbekistan at Singapore na may magkaparehong 1-4 slate, at Sri Lanka (0-6).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …