Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

Lumabag sa dress code  
MAGKAANGKAS SA MOTOR, HULI SA SHABU

KULONG ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa motorcycle dress code habang magkaangkas sa isang motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas ‘Turo’, 38 anyos na isang scavenger, residente ng Tondo, Manila at Kid, 25 anyos, assistant chef ng Baesa, Quezon City.

Sa nakarating na ulat kay Caloocan City  police chief P/Col. Ruben Lacuesta,

dakong 9:40 ng gabi,

habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 2 sa kahabaan ng Bustamante St., Brgy., 86 nang parahin nila ang mga suspek na sakay isang motorsiklo dahil sa paglabag sa motorcycle dress code,

Sa halip na huminto, pinaharurot pa ng mga suspek ang sinasakyan nilang motorsiklo kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner at dito natuklasan na walang driver license ang nagmamaneho nito.

Nang kapkapan, nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng nasa 5.1 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,680.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Dress Code for Motorcycles and driving without license, Art 151 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …