Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lea Bernabe Boss Vic del Rosario Viva

Lea Bernabe, game sumabak sa daring scenes at magsabog ng alindog sa Vivamax

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PUMIRMA na ng kontrata sa Viva last Friday ang newcomer na si Lea Bernabe. Ayon sa kanya, handa raw siyang sumabak sa mga daring scenes at sexy projects.

Siya ay alaga ng kilalang talent manager na si Jojo Veloso, kasabay niya sa contract signing ang isa pang talent ni Mudra na si Emil Sandoval.

Sa vital statistics niyang 36b-25-36, hindi kataka-taka kung abangan ng mga suki ng Vivamax ang dalaga sa pagsasabog niya rito ng kanyang taglay na alindog.

Nagkuwento si Lea sa kanyang journey sa mundo ng showbiz.

Aniya, “Kakapirma ko lang po ng kontrata sa Vivamax last Friday and sana po ay mabigyan na po ng movie… Pero wino-work-out na po ito ni Mudra.”

Dagdag ni Lea, “Bale ako po ay nag-start as event model, sa mga carshow po muna ako nagsimula… sexy magazine model po at calendar shoot and catalogue model po.”

“Paano ako napunta kay Tito Jojo?” Ulit niya sa aming tanong. “Year 2021 pa po ako in-invite ni Mudra, pero now lang po ako nagkalakas ng loob na pasukin po ang Vivamax.”

Game na game raw siyang sumabak sa sexy movies sa Vivamax, “Yes po, reading-ready po ako,” nakangiting sambit ng dalaga.

Pahabol pa ni Lea, “Bago ko po napagdesisyonan po ito, ini-ready ko na talaga ang sarili ko sa hubaran po, palaban po ako… basta para lang sa ikagaganda ng movie po, game ako talaga.”

Ayon sa dalaga, hindi naman daw siya na-shock nang unang nakapanood ng sexy movies ng Vivamax.

“Hindi naman po nakagugulat iyong mga intensed na eksena, hahaha! Actually, parang na-challenge po ako, hehehe. Ang galing kasi ng mga gumaganap po sa movie,” natatawang pakli ng newbie sexy actress.

Aniya, “And sa napanood kong mga sexy scene, nakabibilib iyong mga artista po e. Bilib ako sa mga umaarte po nang ganoon, kaya po parang gusto ko rin gawin po iyong ganoon.

“Although magkahalo po ang nafi-feel ko pagdating sa love scenes – na nakaka-pressure pero excited akong gawin din po iyong mga ganoon bilang part ng trabaho ng mga artista, kumbaga po.”

Ano ang masasabi niya sa kanyang manager na si Jojo Veloso?

Pahayag ni Lea, “Masasabi ko pong matiyaga po siya talaga at willing siyang makinig po sa suggestion ng alaga niya. Plus, lagi niya kaming sinasabihan na dapat maging humble, kahit ano na ang marating mo sa buhay.

“Mapagmahal po si Mudra…”

Parang tatay na rin ba ang turing niya sa kanya? “Opo parang tatay ko na rin si Toto Jojo at Mudra, all in one po, hehehe,” pakli pa ni Lea.

Nanay ang ibig sabihin ng Mudra sa showbiz lingo.

Pagdating naman sa mga Vivamax sexy actress, sina AJ Raval at Yen Durano raw ang idol ni Lea at wish niyang sundan ang kanilang yapak.

“Halos lahat po nang napanood kong movies sa Vivamax ay magaganda, pero ang bet kong actress po talaga sa Viva ay sina Yen Durano at AJ Raval.

“Kasi natural ang arte po nilang dalawa at ang lakas ng charisma po nila sa viewers.”

“Kung puwede po, wish kong sundan ang mga yapak nina AJ at Yen, ang gagaling nila po kasi. Pero kumbaga, gagawin kong stepping-stone ang pagpapa-sexy sa movies, para mabigyan ng break sa showbiz,” masayang esplika pa ni Lea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …