Tuesday , April 15 2025
13 law violators kinalawit ng Bulacan cops

13 law violators kinalawit ng Bulacan cops

ANIM na nagtutulak ng droga, dalawang wanted na kriminal at limang may paglabag sa batas ang sunod-sunod na naaresto ng Bulacan police sa iba’t ibang operasyon na isinagawa sa lalawigan hanggang kahapon.

Batay sa ulat na isinumite kay PCOL RELLY B ARNEDO, Provincial Director ng Bulacan PPO, sa magkasunod na buy-bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Angat, San Jose Del Monte, at Guiguinto C/MPS ay anim na durugistang tulak ang naaresto. 

Nasamsam sa operasyon ang dalawampung plastic sachet ng hinihinalang shabu at isang medium transparent plastic sachet na naglalaman ng marijuana na may Standard Drug Price (SDP) na Php 39,040, assorted drug paraphernalia at buy-bust money.

Samantala, ang tracker team ng Santa Maria at Obando Municipal Police Station ay naaresto ang dalawang wanted na kriminal na matagal ng nagtatago sa batas.

Kinilala sila na sina alyas Erick, 20, residente ng Santa Maria, Bulacan arestado dahil sa Attempted Homicide at alyas Romy, 44, residente ng Sta. Mesa St., Sampaloc, Manila dahil sa paglabag sa (RA 7610) 2 counts ng Statutory Rape.

Sa pagresponde nama ng mga awtoridad ng San Jose Del Monte, Bulakan, at Marilao C/MPS sa iba’t ibang insidente ng krimen ay humantong sa pagkakaaresto sa limang personalidad na lumabag sa batas.

Kinilala ang mga ito na sina alyas Tony na inaresto dahil sa paglabag sa (RA 11313) Safe Space Act; alyas Hana para sa Pagnanakaw; at alyas Asja, alyas Jun-Jun at alyas Jefrey para sa Robbery. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …