Sunday , December 22 2024
Bulacan Police PNP

Maramihang pag-aresto ikinasa ng Bulacan PNP, 12 arestado

DALAWANG personalidad sa droga at sampung wanted persons ang naaresto ng Bulacan police sa mga ikinasang anti-criminality operations sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga.

Sa magkakahiwalay na buybust operations na inilatag ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Rafael at Plaridel Municipal Police Station, naaresto ang dalawang notoryus na drug peddlers.

Nasamsam ng mga operatiba ang 12 plastic sachets ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) na P17,884, assorted drug paraphernalia at buybust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakompiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang mga reklamong kriminal para sa paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek ang inihahandang isampa sa korte.

Samantala, naaresto ng tracker teams ng 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Provincial Intelligence Unit (PIU), Meycauayan, San Jose Del Monte, Norzagaray, Hagonoy, at Marilao C/MPS ang 10 indibiduwal na may mga kinakaharap na kaso sa hukuman at nagtatago sa batas.

Sila ay kinilalang sina alyas Jessmar na inaresto dahil sa attempted homicide; alyas Marco, reckless imprudence resulting in homicide; alyas Jr, pagnanakaw; alyas John Fred, paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000; alyas Alejandro, murder; alyas Kent, reckless imprudence resulting to damage to property; alyas Marlon, paglabag sa Anti-Photo and Voyeurism Act of 2009; alyas Mark, pagnanakaw; alyas Cabrera, Slight Physical Injuries; at alyas John Carlo Lascivious Conduct (2 counts).

Ang lahat ng arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/stations para sa nararapat na disposisyon.

Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, “nakatuon ang pulisya sa lalawigan sa pagpapanatiling ligtas laban sa mga kriminal ang mga komunidad at pagpapakita ng kakayahang pigilan ang mga indibidwal na nag-uudyok ng takot at karahasan at kung gaano sila katatag sa pakikipaglaban sa mga salot sa lipunan.” (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …