I-FLEX
ni Jun Nardo
AYAW na raw makipagtrabaho ng isang award-winning director sa isang film outfit.
Naipalabas na’t lahat kasi ang ginawang movie, eh hindi pa rin siya nababayaran sa balanse na inabono niya sa nagtrabaho sa kanya.
Milyon ang utang ng film outfit sa director. Nagkasundo na ngang bawasan ito para lang makuha agad ng director ang kulang sa kanya.
Pero inakala ng director na ibibigay sa kanya ang utang through post dated checks. Pero hindi ganoon ang nangyari dahil kapag binabayaran siya, installment pa rin ang ginawa.
Dahil sa utang, pass muna ang director sa offers ng kompanya sa kanya. Bale abono na niya ang sinisingil dahil naaawa siya sa nagtrabaho para sa kanyang pelikula.