Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anthony Davao

Anthony Davao hanggang butt exposure lang ang kaya

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGKAROON na ng butt exposure at pumping scene ang Vivamax actor na si Anthony Davao dati sa Tayuan at An/Na.

Ano ang reaksiyon ng kanyang pamilya na nagpapaseksi siya sa mga proyekto niya sa Vivamax? May nagulat ba?

Aniya, “Wala naman. They just congratulated me, they said they’re proud of me. Wala namang, ‘O sexy star ka?!’

“Wala namang questions na ganoon, siyempre they’re all professionals naman.

“Ang hinihiling lang nila is their restriction na walang frontal, and depende rin sa akin, ‘yung male-to-male restrictions.”

Galing sa pamilya ng showbiz si Anthony, lolo niya ang dating character actor na si Charlie Davao, tiyuhin niya sina Bing at Ricky Davao at tiyahin naman niya ang dating aktres na nakabase na ngayon sa Amerika na si Mymy Davao.

Ang ama ni Anthony ay ang dating child actor na si Charlon Davao na cast member ng sikat na 80s sitcom na Eh, Kasi Babae nina Gloria Diaz, modelong si Bessie BadillaJanice Jurado, at sina Maria Teresa Carlson at Tiya Pusit na kapwa yumao na.

Hanggang pagpapakita lamang ng puwet ang kaya ni Anthony.

Napanood daw ng parents niya ang butt exposure niya sa An/Na at Tayuan at wala namang negatibong reaksiyon ang mga ito.

“Si Auntie Mymy nakuwento ko lang hindi pa niya napapanood, so okay naman, nagbigay lang siya ng advises about the restrictions na if I’m going to do butt exposures okay but ‘yung frontal don’t do it.”

Kahit daw naman mismo si Anthony ay hindi nga kayang mag-frontal.

Available for streaming sa Vivamax, kasama si Anthony sa cast ng Room Service.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …