RATED R
ni Rommel Gonzales
SANA all nagtatagal. Sana nga lahat ay gaya ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na 1,000 na ang episodes na naipalabas simula noong umere ito, 2004.
Overflowing talaga ang achievements ng programa dahil nanguna rin sa ratings ang ika-1000 episode nito na umere last Sunday (February 25). Siyempre, hindi rin pahuhuli ang support ng netizens dahil umabot na sa lagpas isang milyon ang total views ng episode na ito sa Facebook at Youtube.
Sa tagal na ng programa, siguradong maraming Filipino na ang na-inspire at natuto sa mga kuwentong naitampok na nito. At sigurado ring marami pang buhay ang mababago sa mga susunod pang episodes. Sabi nga ni award-winning host Jessica Soho, “To more thousands stories to tell and thousand lives to inspire and change.”