MATABIL
ni John Fontanilla
GRABE ang pagmamahal at importansiyang ibinibigay ng fast rising teen actor ng Kapuso Network, si Michael Sager, dahil nag-celebrate ito ng kanyang 21st birthday at naglaan ng oras para makasama ang loyal supporters, ang Sager Warriors.
Ang nasabing birthday celebration na ginanap sa Sikat Venue Rental last February 16 ay inorganisa ng Sager Warriors admins sa pangunguna nina Mar Soriano (founder),
Abraham Joseph Panganiban, Jepoy Quinitip, Babski Babor,Rowel De Leon, JM Siriban, Fred Gonzaga, Kathleen Ivy Dayrit, at Ian Michaels.
Nagkaroon ito ng 21 Roses, 21 Blue Heart. Sobrang na-touch at nagpasalamat si Michael sa grabeng effort na ginawa ng kanyang mga supporter na ang iba ay galing pa sa probinsiya.
Wish ni Michael na magtuloy-tuloy ang pagdating ng magagandang proyekto, bukod sa bibida na ito sa Philippine adaptationg ng 2009 hit K-drama, Shining Inheritance. Bukod pa ang pagiging regular sa Tahanang Pinakamasaya at Sparkle U.