Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz Bench Body

Sunshine kinaiingitan hitsurang 20-anyos

HATAWAN
ni Ed de Leon

MARAMI raw ang nangba-bash kay Sunshine Cruz at nagsasabing hindi na bagay sa kanyang edad ang mga ipinagsusuot niyang damit, lalo na nang lumabas ang mga sexy lingerie niya na ginamit sa isang commercial.

Sinasabi iyan ng mga naninira kay Sunshine dahil ang batayan nila, dalaga na ang kanyang mga anak. Hindi nila matanggap ang katotohanan na kahit dalaga na ang mga anak ni Sunshine, napangalagaan niya ang kanyang sarili at mukhang dalaga pa rin. 

Kung titingnan mo naman talaga si Sunshine mukha siyang mga 20-anyos lang sa hitsura niya bagama’t ang ibang kasabayan niya noon ay mga mukhang pindangga na. Marunong kasi si Sunshine na mangalaga sa kanyang sarili. Una, hindi niya kinukunsumi ang sarili. Ikalawa, makikita ninyo hanggang ngayon nagpupunta siya sa gym para mapanatiling fit ang katawan. 

Hindi rin naman si Sunshine iyong makikita mong gaya ng iba na halos gabi-gabi nasa mga bar at club at nakikipagsayahan. Pagdating ng gabi nasa bahay na iyan at maagang matulog. Magtataka pa ba kayo kung bakit mukha pa siyang 20-anyos hanggang ngayon? 

Sa totoo lang TIta Maricris, masasabi naming sa lahat ng nakita naming artista, at ang tagal na namin sa industriyang ito wala nang gaganda pa kay Sunshine at sa artista noong si Marianne dela Riva.

Pero talagang ganyan naman basta maganda ka kaiinggitan ka.

Pero sino ba sa kanila ang masasabing sa ganoong edad ay kasing ganda pa rin ni Sunshine?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …