ISANG pugante na may kasong panggagahasa sa Quezon Province ang nahulog sa kamay ng batas nang masukol ng mga awtoridad sa kanyang pinagtataguan sa Bulacan kamakalawa.
Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Anselmo Chulipa, hepe ng Meycauayan City Police Station (CPS) kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang arestadong pugante ay kinilalang si Marvin Maraña y Andal, 29 anyos, nakalista bilang Most Wanted Person sa Regional Level ng PRO 4A, 29, at tubong Barangay. Pansol, Lopez, Quezon.
Isinilbi ang warrant of arrest laban sa pugante dakong 10:00 am sa Barangay Bagong Barrio, Pandi, Bulacan.
Magkasanib na elemento ng Meycauayan CPS, Bulacan PPO (lead unit) sa pangunguna ni P/Lt. Col. Chulipa at tatlong tauhan ng 2nd PMFC, Intel Section, Quezon PPO, PRO 4A, ang nagsilbi ng warrant of arrest laban sa akusado.
Matapos isyuhan ng warrant of arrest ni Judge Julieto Fabon Fabrero, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 63, Calauag, Quezon, may petsang 7 Nobyembre 2023, ay nagpakatago-tago ang akusado hanggang nakarating ng Bulacan.
Pansamantalang ikinulong ang inarestong wanted na pugante sa custodial facility ng Meycauayan CPS para sa tamang dokumentasyon bago i-turnover sa issuing court sa lalawigan ng Quezon. (MICKA BAUTISTA)