Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

UPANG panumbalikin ang mga bakawan sa mga baybaying barangay ng lalawigan, nakipagkaisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro sa Eagle Cement Corporation (ECC) at nakapagtanim ng paunang 1,000 bakawan sa Brgy. Masukol, Paombong noong Pebrero 21, at karagdagang 1,000 sa Brgy. Tibaguin, Hagonoy noong Biyernes.

Bahagi ang 2,000 punla ng 10,000 bakawan na nakalaan na maitanim sa mga nasabing lugar at sa mga susunod pa na tatlong taon.

Ayon sa pinuno ng Provincial Agriculture Office (PAO) Ma. Gloria SF. Carrillo, patuloy na lumiliit ang lugar ng bakawan sa lalawigan at kumakaunti ang bilang ng mga nahuhuling isda dahil wala na silang breeding area, kaya naman nababawasan din ang kita ng mga mangingisda.

“Ang mangrove ay proteksyon natin kapag may storm surge o pagtaas ng alon sa ating karagatan. Ito rin po ang natural o likas na pamahayan o tirahan ng ating mga yamang dagat. Batay po sa datos, 391.14 hectares na lamang ng mangrove ang natitira sa lalawigan at sinasabi po na .15% lamang ito ng kabuuang pambansang datos ng area planted with mangrove. Inaasahan na sa pamamagitan ng gawaing ito, mapapataas po natin ang huli ng ating mangingisda at makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan,” ani Carrillo.

Samantala, bilang katiwala ng mga bakawan na magpapalaganap, magtatanim, mag-aalaga, at magpapanatili ng mga itinanim na punla, dalawang beses na tatanggap ang Samahang Mangingisda ng Isla Tibaguin (SMIT) ng tulong pinansyal mula sa Eagle Cement Corporation, una sa pagtatanim ng mga punla at matapos ang anim na buwan mula sa petsa ng pagtatanim depende sa dami ng bakawan na mabubuhay.

Dumalo rin sa pagtatanim ng bakawan sa Hagonoy sina Bokal Romina Fermin, Pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Manuel Lukban at kanyang mga tauhan, mga kawani ng Bulacan Environment and Natural Resources Office, Pamahalaang Bayan ng Hagonoy at Paombong, Department of Environment and Natural Resources Region 3, Mines and Geosciences Bureau-Region 3, Provincial Environment and Natural Resources Office-Bulacan, at mga Rotary Club ng Independencia, Malolos Congreso, Guiguinto Bloomingdales, at Malolos Hiyas. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …