Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mutya Orquia Beaver Magtalas Rico Yan Claudine Barretto

Beaver at Mutya tinaguriang Rico Yan at Claudine ng kanilang henerasyon

ni Allan Sancon

UNTI-UNTI na talagang gumagawa ng sariling pangalan sa showboz industry ang 18 years old  Starmagic artist, Beaver Magtalas. 

Naging main cast member si Beaver ng Facebook series na Roommate at Genius Teens. Ngayon ay bibida si Beaver bilang si Ernesto “Ernest” Buenaventura sa bagong pelikula ni Direk Gabby Ramos, ang When Magic Hurts, kasama sina Mutya Orquia bilang Olivia Grace Melchor at Maxine Trinidadbilang Trixie Callejo. 

Isa itong romantic comedy /drama tungkol sa mga teenager na parehomg may pinagdaraanan sa buhay na nagkatagpo  at na-inlove sa isa’t isa.

Ipakikita ang ganda ng Atok, Benquet na roon kinunan ang pelikula. Ikinuwento ng mga cast member at director ang hirap ng kanilang pinagdaanan dahil sa lamig ng lugar at may pagkakataon pang binagyo ang kanilang set.

Dream come true para kina Beaver at Mutya na magkasama sa isang pelikula dahil matagal na palang magtropa ang dalawa. Sabay na nag-acting workshop ang dalawa sa Starmagic at doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at closeness.

Sinasabing sina Beaver at Mutya ang susunod na Rico Yan at Claudine Barretto ng kanilang henerasyon dahil sa chemistry na ipinakita ng dalawa sa pelikula.

Makakasama rin sa pelikula sina Angelica Jones, Julian Roxas, Alvin Calleja, Mohaira Sanama, Pantene Palanca, Aileen Papin, Denna Bautista, Cassie Kim, Bluemark Roses, Dennis Padilla, atClaudine Barretto.

Malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang When Magic Hurts.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …