Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Lorna Tolentino

Sylvia hataw ang tandem kay LT, Nathan Studios mas magiging aktibo ngayong taon

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAGIGING abalang-abala ngayong taon ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez.

Sa tsikahan sa kanya ng ilang members ng media sa first anniversary ng magarang Beautéderm Headquarters sa Angeles City ng CEO nitong si Ms. Rhea Tan, ito ang nabanggit ni Ms. Sylvia.

Aniya, “Aalis kami ni LT this year, pupunta kami sa Cannes… Tandem naming dalawa iyon, naka-schedule na iyon, marami kaming schedules.”

Mamimili ba sila ulit ng foreign films sa Cannes?

“Kapag may maganda, alam mo naman sa atin ngayon, medyo mahina, hindi ba, yung teatrical? Kung mayroong magandang pelikulang matitisod, why not? Pero kung alanganin ay huwag muna.”

Tuloy naman ang pagpoprodyus ng Nathan Studios, hindi ba? “Tuloy naman ang pagpoprodyus ng Nathan, eh. Kasi roon muna namin dinadala sa abroad, hindi ba? Like iyong Topakk, doon muna namin dinala iyon.

“Ngayon, this year ipalalabas na namin dito ang Topakk, babalik na sa ‘Pinas ang Topakk.

“Mayroon lang dalawang festivals na a-attend-an, after that ay balik na rito. Kasi papasok ang Topakk sa February 28 hanggang March 2 sa Dubai Festival, tapos mayroon pang isa. So after ng dalawang iyon (filmfest), babalik na ito sa Pilipinas,” aniya pa hinggil sa pelikulang Topakk na pinagbibidahan ni Arjo Atayde.

This year, may entry kaya ang Nathan Studios sa MMFF? “Sana, sana, iyon ang gusto namin. But definitely, 2025 ay mayroon. Kasi gagawin namin nang matagal, para hindi minadali. Na sisiguraduhin namin na maganda talaga, na maayos.

“So, mayroon kaming 2025 (MMFF entry), pero ang 2024 ay wala pa.”

Si Ria Atayde ang tumatayong President at CEO ng Nathan Studios.

Ano ang aabangan sa kanya this year?

Pahayag ni Ms. Sylvia, “Ang aabangan sa akin, itong Nathan Studios. Kasi like ngayon, naka-focus ako talaga rito. May mga projects, may mga nagpi-pitch… marami.

“Actually, may napili na kami na mga four projects na papasukan namin. May concert… pero hindi ko pa puwedeng i-announce. Pero big concert ito, local artist. 

“Basta, excited ako rito… Hindi ko puwedeng i-announce, kapag ia-announce ko na, tatawagin ko kayo.” 

How about teleserye or movies, may gagawin na ba siya?

Tugon ni Ms. Sylvia, “Right now, ngayon kasi, may mga schedules kami ni Ms. LT, so kapag nag-serye ako parang magkakaroon ng problema (sa schedules).

“Like, aalis kami ng May… bago mag-Cannes festival, so, nandoon kami ng mga 15 days.”

Esplika pa ni Ms. Sylvia, “Gusto kasi naming matuto ni LT, eh. Gusto namin talagang matuto, ayaw namin na basta-basta papasok… Kasi, right ngayon, hindi pa kami perfect dito, hindi pa kami ganoon karunong, eh.

“So, gusto naming matututo, gusto naming mamulat talaga ang mga mata namin sa showbusiness. Tapos ay kukuha kami roon ng mga connections…Kasi ganoon naman doon, eh, bibili ka or magbebenta ka.

“So, sabi ko nga kay LT, ‘Dapat bago tayo tumodo nang husto, iyong matuto tayo, iyong hindi tayo mukhang, alam mo iyon? Iyong mukhang walang alam?'”

Pagpapatuloy pa ng mahusay na veteran actress, “Serye? Mayroon akong gagawing movies, pero hindi pa puwedeng i-announce. Dalawa ang gagawin, so roon na muna ako. Kasi kapag serye-Monday, Wednesday, Friday, parang alangainin. After na siguro ng Cannes.”

Nakaplano rin daw na magsama sa isang pelikula sina Ms. Sylvia at LT, naghihintay lang ng magandang script na bagay sa kanilang dalawa, para matuloy ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …