DALAWANG wanted person at pitong lumalabag sa batas ang inaresto ng Bulacan police sa magkaibang operasyon na isinagawa sa lalawigan kamakalawa.
Sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang tracker team ng Meycauayan City Police Station ay nagsagawa ng magkahiwalay na manhunt operations na nagresulta sa pagkaaresto kina alyas Renato, 30, ng Saint Lukes St., Perez Meycauayan City, Bulacan sa paglabag sa City Ordinance (Anti-Smoking Ordinance) at Wesley Amparo, 34, ng San Jose, Navotas City dahil sa paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 (R.A. 10883).
Ang mga naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit/station para sa kaukulang disposisyon.
Bukod dito, ang mga awtoridad sa Sta. Maria, Baliwag, Norzagaray at Hagonoy C/MPS ay nagresponde sa iba’t-ibang insidente ng krimen na nagresulta sa pagkaaresto ng pitong lumabag sa batas.
Ang mga ito ay kinilalang sina Kim, na arestado dahil sa light threat; alyas Than, Ash, Nicole, at Sam para sa pagnanakaw; at alyas Efren para sa kasong frustrated murder.
Isang naaangkop na reklamong kriminal ang inihain laban sa mga naarestong suspek.
Ayon kay PD Arnedo, sumasalamin sa hindi natitinag na pangako ng Bulacan PNP na bawasan ang krimen at pagtiyak ng kaligtasan ng publiko, batay sa kautusan ni RD, PRO3 PBGeneral Jose S Hidalgo Jr.
Aniya pa, ang tagumpay ng mga operasyong ito ay binibigyang-diin ang kanilag dedikasyon at pagiging epektibo sa paglaban sa krimen na may kaugnayan sa droga at pagdakip sa mga nagkasala. (MICKA BAUTISTA)