RATED R
ni Rommel Gonzales
KUNG nawindang ang Crazy 5 sa pagbabalik ni Amira (Elle Villanueva), the feeling is mutual para sa viewers dahil nabubulabog din sila sa surprising at gripping scenes sa revenge drama series ng GMA Public Affairs na Makiling.
‘Ika nga ng taumbayan, bumabaliktad na ang mundo dahil nag-uumpisa nang gumanti at maningil ang dating naaaping bida. Maraming viewers ang talaga namang tuwang-tuwa sa “character development” ni Amira at umaasang matututo na ng leksiyon ang mga mapang-aping sina Seb (Kristoffer Martin), Portia (Myrtle Sarrosa), Ren (Royce Cabrera), Oliver (Teejay Marquez), at Maxine (Claire Castro).
Sey nga ng isang netizen, “‘Yan ang gusto ko sa ‘yo Amira, ‘yung palaban ka!”
Komento naman ng isa, “Ito ‘yung klase ng palabas na magandang panoorin dahil hindi palaging naaapi ang bida.”
Sorry now, ganti later! Matitikman na ang paghihiganti ni Amira sa pambansang revenge drama ng Filipino.