Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Dennis Padilla When Magic Hurts

Dennis naluha sa sorpresang pagbati  ni Julia

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Dennis Padilla na ‘di niya inaasahan ang ginawang pagbati sa kanya ng anak na si Julia Barretto noong kaarawan niya kaya naman sobrang ikinatuwa niya iyon.

Sinabi pa ng aktor nang makausap namin sa presscon ng When Magic Hurts na pinagbibidahan nina Mutya Orquia, Maxine Trinidad, at Beaver Magtalas handog ng RemsFilms Production at idinirehe ni Gabby Ramos, na naluha siya sa ginawang iyon ng kanyang panganay na anak kay Marjorie Barretto.

Noong February 9 ang ika-62 kaarawan ng aktor. 

Naluha ako roon. That was sweet. Para bang tagos sa puso ‘yun (pagbati). That’s why I’m so happy. I hope makapag-dinner or lunch kami soon.

“Hindi lang si Julia, gusto ko rin siyempre makita si Claudia at saka si Leon kasi almost two years ko na silang hindi nakikita. More, I think more,” tila emosyonal na wika pa ni Dennis.

Nabanggit ni Dennis na gusto niyang makatrabaho muli ang anak dahil 2008 pa sila huling nagkasama sa Kapamilya series na Palos.

Hopefully, itong mga darating na panahon, baka magkasama kami sa pelikula dahil the last time na magkasama kami was sa ABS pa, ‘Palos,’ the one with Cesar Montano.

“Ako yung sidekick at saka si Redford White. Bata pa si Julia noon,” kuwento ni Dennis.

Ukol naman sa When Magic Hurts, excited si Dennis sa pelikulang ito. 

Aniya, ibang-iba ang karakter na ginagampanan niya rito bilang si Anton Yap, isang masayahing beki na punompuno ng good vibes.

Kasama rin sa pelikula sina Claudine Barretto, Soliman Cruz, Angelica Jones, Julian Roxas, Aileen Papin, Cassie Kim, Maxine Trinidad at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …