Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez focus sa pagiging ina kina Reece at Sapphire,  tuloy pa rin as vlogger/influencer

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMI ang nagulat nang naghiwalay nang landas sina Zara Lopez at ang partner niyang social media influencer na si Simon Joseph Javier.

Pero tuloy pa rin ang ikot ng mundo ng aktres at patuloy ang pagiging aktibo niya sa social media.

Actually, sa isa niyang vlog na mayroon siyang inaayos na sandamakmak na chocolates kaya ko siya naisipang i-chat. Nagulat kasi kami sa dami nito habang inaayos niya at mapuno ang isang cabinet.

Tinanong kasi namin si Zara kung magkano ang halaga ng chocolates na iyon at kung ipamimigay ba niya sa kanyang followers.

Sagot sa amin ni Zara, “Nasa 50k po tito ang halaga ng mga chocolates na iyon.

“Hindi po lahat ipamimigay ko, hehehe.  Iyong iba lang pong mapipili ang bibigyan ko ng chocolates. Then yung matitira ay sa celebration ng birthday ni Sapphire.”

Si Sapphire ang bunsong anak ni Zara kay Simon.

Kinamusta namin ang aktres. 

Tugon ni Zara, “Masasabi ko na hindi talaga ako super-okay, kasi naghiwalay kami ni Simon. But of course I’m trying my best to move forward sa buhay para sa mga anak ko. Kailangan kong magpaka-strong para sa kanila, kasi ako na lang ang mayroon sila.

“Ako rin ang breadwinner sa family ko kaya hindi ko puwedeng maging choice ang maging mahina sa laban ng buhay. And wala namang ibibigay sa iyo si Lord na pagsubok kung hindi mo kaya. Laging may pain pero may lesson.. Ganoon siguro talaga ang buhay, hindi laging masaya.”

Inusisa rin namin ang dating Viva Hot Babe member kung tuloy pa rin siya sa pagiging vlogger/influencer?

Esplika ni Zara, “Eto na yung naging buhay ko at eto ang bumubuhay sa amin ng pamilya ko. Itutuloy ko para sa mga anak ko.

“And I’m planning din na mag-business soon. ‘Tsaka ko na ire-reveal, but nasa planning stage na.”

Sa ngayon, ang social media followers ni Zara ay 6.7 million sa Tiktok, 2 million sa Facebook, at 265k sa Instagram.

Kamusta ang kanyang Yema and Peanut butter business?  

“Iyong Yema and Peanut butter business ko, as of now nag-stop muna. It’s because hindi ko rin matutukan and nagkulang kami sa staff. But soon kapag stable na lahat, I will continue yung business na iyon.”

How about showbiz comeback? Plano niya rin bang umarte ulit sa harap ng camera?

Aniya, “Iyong pagiging showbiz nasa dugo ko na yun. Anytime na may project, open arms pa rin akong tatanggap ng project. Pero as of now, focus muna ako sa mga anak ko and lalo na kay Sapphire, kasi baby pa siya.

“Gusto kong nasa tabi nya lang ako habang lumalaki siya. Hindi ko kasi nagawa ‘yun kay Reece noong baby, na nasa tabi niya ako. Kasi kailangan kong magtrabaho para sa kanya. Ayaw ko kasing maghirap ulit kami and ayaw kong maranasan ni Reece lahat ng naranasan kong hirap, kasi hindi nya kakayanin.

“Kaya ngayon na hawak ko ang oras ko sa trabaho, ibinubuhos ko yung time ko kay Sapphire habang baby pa siya. Ako lang yung inaasahan niya. Si Reece naman busy sa school and soon ay magka-college na siya.

“As of now single mom muna and let’s see kung anong plan ni Lord para sa akin. Isinurrender ko na lahat sa Kanya. Lagi kong pinipiling magpatawad dahil iyon naman ang tama,” pakli pa ni Ms. Zara.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …