Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Firefly Zig Dulay

Pelikula ng GMA tuloy ang international screenings

RATED R
ni Rommel Gonzales

TRULY unstoppable ang Firefly fever dahil ang award-winning film ng GMA Network ay may international screening mula February 16 hanggang 22 sa iba’t ibang lugar sa United States.

Matapos tanghalin bilang big winner ng Manila International Film Festival noong February 3 sa Hollywood, patuloy pa rin ang pagpapalabas ng pelikulang produced ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa mga sinehan sa California.

Kabilang dito ang mga sinehan sa Ontario (Ontario Palace Cinema), San Diego (Mira Mesa, Reading Town Square),  Carson (Cinemark Carson), Elk Grove (Elk Grove Laguna), Cerritos (Cerritos STM), West Covina (West Covina STM), Vallejo (Vallejo 14), San Bruno (Century Tanforan), Union City (Union City 25), at Milpitas (Milpitas Great Mall).

Bukod sa California, mapapanood din ang pelikula sa iba pang US states tulad ng Las Vegas (Century Orleans Cinema), Portland (Eastport Plaza), Guam (Guam Megaplex), Houston (Gulf Pointe), Richmond (Cinemark Longmeadow), Olympia (Century Capital Mall), Aiea (Consolidated Theatres Pearlridge), Kapolei (Consolidated Theatres Kapolei), at Northern Mariana Islands (Saipan Megaplex).

Inuwi ng pelikula ang mga award na Best Picture, Best Screenplay (Ms. Angeli Atienza), Best Director (Direk Zig Dulay), at Best Supporting Actress (Ms. Alessandra de Rossi) noong MIFF sa Hollywood, habang Best Picture, Best Screenplay, at Best Child Actor (Euwenn Mikael) naman ang napanalunan sa Pilipinas noong Metro Manila Film Festival 2023. 

Dasurv na dasurv nga ng pelikula ang mga papuri at award. Kaya naman ang ibang Pinoy, humihiling na maipalabas ito sa mas marami pang bansa. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …