Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez Boy Abunda

Teejay minsang nabaliw sa pag-ibig

MATABIL
ni John Fontanilla

UNFORGETTABLE para kay Teejay Marquez ang nauna niyang relasyon sa babaeng minahal niya dahil naging bulag-bulagan at dumating pa sa puntong ipinagpalit ang pamilya.

Ani Teejay nang mag-guest sa show ni Kuya Boy Abunda (Fast Talk), nang pinagbawalan sila ng pamilya ng babae na magkita, napilitan siyang magtago sa trunk ng isang taxi para lang makapasok sa village na tinitirhan ng babae.

At kahit ayaw ng pamilya ng babae sa relasyon nila ay ipinagpatuloy nila ito at ipinaglaban pero ang kanilang masalimuot na relasyon ay nauwi rin sa hiwalayan.

Sa ngayon ay pahinga muna sa Teejay sa pag-ibig at mas binibigyang focus ang gumagandang career dito sa Pilipinas. Bukod kasi sa mga pelikulang ginagawa, regular din itong napapanood gabi-gabi sa Makiling ng GMA 7 at abala rin ito sa mga mall at provincial shows.

Isa pa nga sa pinagkakaabalahan nito ang kanyang matagumpay na negosyo, ang  Good Skin (Serum and Soap).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …