Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anthony Davao

Pamangkin ni Ricky na si Anthony Davao may K magpa-sexy

RATED R
ni Rommel Gonzales

WALA pa sa showbiz ay nakakasama na namin ang Vivamax actor na si Anthony Davao.

Pamangkin kasi siya ng dating character actress na si Mymy Davao na kaibigan namin noong naririrto pa sa Pilipinas.

Sa US na nakatira ngayon si Mymy at namumuhay bilang isang ordinaryong tao at hindi na artista. Thru Mymy namin nakilala noon si Anthony na ngayon nga ay sumusubok ng kanyang kapalaran bilang sexy actor.

Showbiz royalty si Anthony dahil lolo niya ang dating character actor na si Charlie Davao, tiyuhin niya sina Bing at Ricky Davao at ang ama niya ay ang dating child actor na si Charlon Davao na cast member ng sikat na 80’s sitcom na Eh, Kasi Babae nina Gloria Diaz, modelong si Bessie BadillaJanice Jurado, at sina Maria Teresa Carlson at Tiya Pusit na kapwa yumao na.

Limang Vivamax projects na ang nagagawa ni Anthony, pinaka-latest ang Room Service na available na for streaming sa Vivamax.

Bago ito ay ginawa niya ang mga pelikulang Purificacion na sinundan ng Tayuan at dalawang Vivamax series, ang Lovely Ladies Dormitory at An/Na. 

Nagpaseksi ba siya nang husto sa Room Service?

Lahad ni Anthony, “Hindi naman siya totally sexy, ano lang ako rito like medyo naughty guy na gusto si Carol, makulit ako sa kanya then may scene na ni-rape ko siya pero attempt lang, hindi natuloy.”

Bidang aktres dito si Shiena Yu na gumaganap bilang si Carol, kasama si Anthony bilang Benjo at sina Angelo Ilagan bilang Michael at Nathan Cajucom bilang si Arvin, sa direksiyon ni Bobby Bonifacio, Jr..

Isang freelance gym instructor si Anthony na nakabase sa Paranaque City kaya hindi katakatakang hunk na hunk at may K magpaseksi.

May advantage o disadvantage ba na galing siya sa pamilya ng mga artista?

Actually mayroon pong advantage,” say ni Anthony, “kasi simula bata ako I see them, I go with them, I watch them, nakita ko kung paano nila ginagawa and inaaral ‘yung script and all, so I had the vision and the idea on how actors do their work.

“And at times we talk about it, ‘di ba ganoon naman sa family, ‘Gusto mo bang mag-artista?’

“At first I was like hesitant kasi bata pa ako, hindi ko pa sigurado kung gusto ko ba? Puwede, parang masaya kasi.

“Pero when I reached this age, sabi ko if given the opportunity, I want to, decided na ako.”

Thankful si Anthony na binigyan siya ng Vivamax ng pagkakataon na maging artista sa panahong desidido na siyang mag-showbiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …