RATED R
ni Rommel Gonzales
TALAGA namang very special ang selebrasyon ng Panagbenga Festival this year dahil naki-join sa makulay na festivities ang Asawa ng Asawa Ko lead stars na sina Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz. Kasama pa nila sa paghahatid ng saya sa Baguio City ang kanilang co-stars na sina Martin del Rosario at Liezel Lopez.
Ginanap ang Kapuso Fiesta sa Sunshine Park noong Sabado, February 17.
Tilian ang maraming fans nang maghandog ng song and dance performances si Jasmine. Lalo namang naging festive ang vibes ng programa sa nakahahawang energy na ipinakita ni Rayver habang nagpe-perform on stage.
Hindi rin siyempre nagpahuli sina Martin at Liezel sa pag-spread ng love at good vibes sa mga Kapuso. Talaga namang very infectious ang kanilang warm smiles at bubbly presence kaya naman napuno ng mga ngiti at positivity ang Sunshine Park.
Get ready, mga Kapuso, dahil tiyak na mas marami pang favorite artists ninyo ang dadalhin ng GMA Regional TV sa inyong lugar para maghatid ng one-of-a-kind entertainment.