BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Day ng Valenzuela, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang groundbreaking ng One Valenzuela Command Center na magsisilbing satellite office ng ALERT sa Barangay Paso de Blas.
Ang apat na palapag ng gusali na ito ay maglalaman ng Valenzuela City Command, Control, and Communication Center (VCC3), Traffic Management Office (TMO), Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO). ), Philippine National Police (PNP) Office, Anti-Cyber Crime Unit, Electric Vehicle Charging Station, at Radio Tower.\
Makakatulong ang command center sa layunin ng lokal na pamahalaan na itaguyod sa lungsod ang kaayusan at katahimikan.
Kasabay nito, nagturn-over din si Mayor WES ng mga service vehicle sa Valenzuela Police at sa Brgy. Gen. T. de Leon at dalawang van para sa Special Weapon ang Tactics (SWAT) team.
Ang dalawang SWAT van na ito ay partikular na idinisenyo upang mag-imbak ng kanilang mga kagamitan o arsenal para bigyang kapasidad ang mga tauhan ng SWAT na tumugon nang mabilis sa mga high-risk na misyon.
May jump seat sa likuran ng passenger area, bench seats na may aluminum cabinet, pin lights, mga cabinet na may arm racks, overhead grab handle, roof rack para sa sniper, grill bars sa magkabilang gilid ng bintana, grab bars at foothold, run flat na gulong at mags, blinkers at sirena, pati na ng 360-degree camera na may monitor ang SWAT vehicle.
Ambulansiya naman ang naipamahagi ng pamahalaang lungsod sa Brgy. Gen. T. de Leon bilang karagdagang sasakyan sa pagkakaloob ng serbisyo. (ROMMEL SALES)