HARD TALK
ni Pilar Mateo
KASABAY niya sina Darren Espanto, JK Labajo, Lyca Gairanod. Tumapak naman siya sa 3rd place. Sa The Voice Kids. Naalala niya umiyak siya noon.
Napasama sa grupong minolde para maging P-Pop sa Y.G.I.G. (You Go, I Go) si Darlene (Vibares). Sa SB Town. At sa tutelage ni Geong Seong Han na mas kilala sa tawag na Tatang Robin, at guidance ni Ms. Adie Hong, umalagwa si Darlene sa kanilang grupo.
Okay na sana, eh. But the rigorous training and physical requirements to sing and dance did not allow her to continue with the role she was tasked to do.
Humina ang immune system ni Darlene. Kaya she had to take a rest. At alis muna sa grupo.
Pero, hindi naman humina ang kanyang tinig kaya sa pagpapatuloy niya sa pagkanta, pinayagan pa rin siya ng SB Town to pursue her dreams.
Kaya naman, with the help of Universal Records, may mga aabangan ng kanta mula sa dalaga bilang isang soloista.
Ang DayDream. Na agad susundan ng Strong.
Malaki ang tiwala ng pamunuan ng Universal Records sa pamumuno ni Ms. Kathleen Dy-Go na susubaybayan ng mga music lover ang kakaibang tunog na inihain ni Darlene sa music platforms na naririnig na ang kanyang awitin.
Cute ang DayDream ni Darlene. With Korean feels. At kikiligin din tayo sa kanyang music video na may panggulat sa dulo.
Sabi rin ni Darlene, wala munang espasyo ang lovelife in her chosen path. At hindi rin niya ikinukulong ang sarili sa iisang daan o estilo lang sa mga kantang gagawin niya.
Kung may collab na mangyayari, gusto niya siyempre to have one with Darren and Zac Tabudlo.
Easy listening. May recall. Mapapa-LSS (last song syndrome) ka sa himig at liriko ng kanta ni Darlene!
Confusion while falling in love…