Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beauty Gonzalez

Beauty G pumirma ng kontrata sa GMA — Bakit pa ba ako aarte, nagpapagawa ako ng bahay at ako ay alipin sa salapi

RATED R
ni Rommel Gonzales

HALOS hindi pa nagpapahinga si Beauty Gonzalez mula nang lumipat siya sa GMA noong 2021.

At ang tumatawang tsika ni Beauty sa amin, “May ipinatatayo akong bahay eh, so keep it coming please!”

Sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, pabor si Beauty na rito sa season 2 ay binaligtad ang kuwento at siya na ang pulis.

Oh yeah, gustong-gusto ko,” pakli ni Beauty.

Sa season 1 bilang si Gloria na bungangera at selosang misis ni Tolome na ginagampanan ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. ay palagi niya itong sinisigawan ng ‘Tolomeee!’ kapag nagseselos o hinahanap ang kanyang mister.

Baka rito siya naman ang sisigaw ng ‘Gloriaaa’,” at muling tumawa si Beauty.

Bukod diro ay sinabi ni Beauty na, “Well, siyempre iba naman yung action na ma-try ko naman na makipagbakbakan, magpapaputok, magpasabog.

“Pero ang hirap din pala,” at natawa ang Kapuso actress.

Inaalagaan at pinahahalagahan siyang mabuti ng GMA.

I’m very happy and thankful for them kasi despite of just… I don’t have a contract with GMA, I’m per project, they still give me these beautiful projects and, thank you!

“It really proves to mean na you doesn’t have to be a contract star whatever, just keep doing what you’re doing and show them that you have the skill s for it and you’ll be okay.”

Ito rin daw ang maipapayo ni Beauty sa mga youngstar natin sa kasalukuyan.

Just be yourself and give your best. Blessings will come to you!”

Paano kung papirmahin na siya ng GMA ng kontrata?

Well, go! Bakit pa ba ako aarte? If the offer is amazing at bilang nagpapagawa ako ng bahay at ako ay alipin sa salapi,” at humalakhak si Beauty.

Magiging happy ‘yung manager ko,” pagtukoy ni Beauty kay Katrina Aguila na manager niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …