Sunday , December 22 2024
Wilbert Tolentino Kain Tayo

Makipagsabayang chumicha kay Wilbert Tolentino; Kain Tayo, tara na!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBANG klase talaga ang energy at ang determinasyon ng kilalang influencer at vlogger na si Wilbert Tolentino.

Aba, pagkatapos niyang magtagumpay as a vlogger through his Wilbert Tolentino Vlogs with 2.3M subscribers as of this writing, ngayon naman ay pinasok na rin niya ang pagiging recording artist.

You heard it right dahil naririnig na sa radio at social media apps ang novelty song na Kain Tayo! under One Force Event and distributed by Star Records under ABS-CBN Music.

Sounds familiar ba ang Kain Tayo!? Oo naman. Mula sa kontrobersiyal at pinag-usapang ‘kainan isyu’, sinalo ito lahat ng business genius na si Wilbert at ginawa itong kanta, na ngayon ay nagbabadyang mag-viral sa socmed.

No worries dahil iba ang hugot ng lyrics ng kantang Kain Tayo! dahil siguradong walang magre-react na mga Marites, walang mabibiktima na mga beauty queens, at wala ring magseselos na dyowa.

Dito sa novelty song na Kain Tayo! ay ‘gugutumin’ lang naman tayo ng lyrics dahil featured dito ang iba’t ibang delicacies ng original Filipino food gaya ng adobo, puto’t kutsinta, bibingka at iba pa.

Ayos na rin at finished product na ang music video ng Kain Tayo! Na dito’y pinagsama-sama ni KaFreshness ang mga sikat na influencers sa pagkain.  Kasama rito sina Euleen Castro, Chef Hazel, Malupiton, Happy Friends, Crazymix, Femme Manila, with the special participation of the controversial, Herlene Nicole Budol AKA Hipon Girl.

Mapapanood na rin sa music video ang Mukbang Dance Craze na kinalolokohang isayaw ngayon ng lahat sa TikTok na pinauso ni KaFreshness Wilbert. Nakaka-aliw nga ang dance moves ni Wilbert na ginagaya na ngayon ng mga kabataan, boylets at girlets at lahat ng Dabarkads at Madlang Pipol dahil nakaka-good vibes ito at bagay na bagay sa TikTok!

Kudos siyempre sa director ng music video na si Edrex Sanchez at ang creative director na si Ryan Soto.

Anyway, mataba talaga ang utak ni Sir Wilbert dahil siguradong makakatulong ang novelty song na ito para mai-promote ang food tourism ng ‘Pinas sa buong mundo.

Siya nga pala, isa na ring certified actor si Sir Wilbert dahil kasama siya sa main cast ng GMA7’s Black Rider na binibigyan niya ng buhay ang character ni Doctor Wilford Bernardo, na isa ring negosyante.

Ayan, iyan si KaFreshness Wilbert, isang magaling na negosyante, sikat na socmed influencer, successful talent manager dahil nagawa niyang pasikatin si Herlene Budol na naging beauty queen pa, isang aktor at ngayon ay isa na ring OPM recording artist.

Ano naman kaya ang susunod na papasukin ni Sir Wilbert? Abangan ang susunod na kabanata. 

Kaya pipol of the Philippines, sabay-sabay tayo and sing: “Tayo ha, spaghetti pababa,yung jumbo hotdog, kaya ko na to…”

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …