Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marion Aunor

Valentine’s show ni Marion Aunor sa Viva Cafe, mamayang gabi na

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TIYAK na exciting ang gaganaping Valentine’s show ni Marion Aunor mamayang gabi sa Viva Cafe, sa ground floor ng Cyberpark Tower 1 Araneta City, Quezon City, sa ganap na 8pm.

Ano ang dapat i-expect ng mga manonood ng kanyang show ngayong Wednesday?

Tugon ni Marion, “Na mag-enjoy ang lahat, na hindi lang mga couple ang mag-eenjoy sa Valentine’s, pero ang mga single rin ay mag-eenjoy.

“So, maraming bonding moments, maraming hugot songs, at love songs din. Parang party sa mga single na followers ko dyan. And of course iyon pong mga hit songs ko, mapapakinggan dito.”

Excited na ba siya sa February 14?

“Yes, super-excited na po ako sa show na ito and hopefully ito ang magiging most memorable Valentine’s day ko. Kasi nga may show and then spending time with fans na ang tagal na naming hindi nagkikita.

“So, marami akong ka-date sa Valentine’s, sila po iyong manonood sa akin sa Viva Cafe,” nakangiting sambit pa ni Marion.

Isang dekada na sa mundo ng showbiz si Marion at papunta na sa kanyang 11th year ngayong taon. Marami na siyang nagawa at napatunayan at patuloy lang siya sa pag-share ng kanyang talento sa madlang pipol

Si Marion ang Co-Founder and Creative Head ng Wild Dream Records at super-busy siya sa pagsuporta at pagtulong sa mga bagong mukha sa larangan ng musika na mga talented at may pangarap na makilala ng publiko.

Nabanggit ni Marion ang kanyang latest single.

Sambit niya, “May inilabas po akong bagong single called “Nahulog”. May lyric video na rin po at music video ito sa Wild Dream Records Youtube Channel. Featured din po sa music video si Marco Gallo.”

Anyway, guest ni Marion sa kanyang February 14 show ang Wild Dream Records artists na sina Matt Wilson, Minimal Days, at Pecado. 

Para sa kakaibang Valentine’s experience, watch tayo ng Valentine’s show ni Marion mamayang 8pm.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …