Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gillian Vicencio Rhea Tan Beautéderm

Gillian Vicencio na-trauma nang madamay sa hiwalayang KathNiel

ni MARICRIS VALDEZ

AMINADO si Gillian Vicencio na na-trauma siya sa kabi-kabilang bashing mula sa fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang magkahiwalay ang dalawa subalit hindi na niya hinahangad pang mag-sorry ang mga ito sa pagkakadawit ng pangalan niya.

Matigas ang pagtanggi ni Gillian na wala talagang nangyari sa kanila ni Daniel kahit pa lumabas ang pangalan niya na dahilan ng pagkasira ng KathNiel.

Ani Gillian nang makausap namin ito sa 1st anniversary ng Beautederm Headquarters, 15 years ng Beautéderm Corporation, at Chinese New Year celebration ng kompanya  ni Ms. Rhea Anicoche Tannoong Sabado, naging close sila nina Kathryn at Daniel nang gawin ang 2 Good 2 Be True. Hindi rin niya maintindihan kung bakit nadamay siya sa isyu ng KathNiel gayung walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya.

Isa si Gillian sa mga ipinakilala ni Ms. Rei bilang bagong celebrity ambassador ng Beautederm. 

“Nagulat po ako. Wala naman pong nangyari na ganoo. First time ko po magkaroon ng ganoong issue.

“Hindi ko po alam kung saan nanggagaling. Nag-message po ako sa kanya (Kathryn) at hindi pa po kami nagkikita ulit ng personal,”  esplika ni Gillian na bagamat binabato ng kung ano-anong issue, inuulan naman ng blessings tulad ng pagkakasama sa napakaraming brand ambassador ng Beautederm.

Sinabi rin ni Gillian na hindi pa rin sila nagkakausap ni Daniel, “Hindi naman po kami nag-uusap. Matagal na rin po kaming hindi nag-uusap after niyong taping.”

At dito’y inamin nga ni Gillian na nagka-trauma siya sa grabeng pamba-bash sa kanya at talagang nakatanggap niya ng maraming masasakit na pananalita.  

Idinagdag din ni Gillian na naapektuhan siya sa hindi magagandang sinasabi ng mga basher. “Siyempre maaapektuhan ka naman talaga. Hindi maganda ang mga sinasabi. Dahil sa family and friends ko na hindi ako iniwan kaya medyo okay-okay naman po ako ngayon.

“And I cannot control the minds of other people. At least I know myself and my truth,” sabi pa ng dalaga.

Samantala, ipinakilala at dumating din ang iba pang Beautederm ambassadors tulad nina Sylvia Sanchez, Sam MilbyCarlo AquinoSunshine GarciaErvic Vijandre, Ynez Veneracion, Alma Concepcion, Antonette Feo, Patricia TumulakKimson Tan, Darla Sauler at marami pang iba.

Masayang-masaya ang president/CEO ng Beautederm na si Ms Rhea dahil dumayo pa ang mga nabanggit na artista sa Angeles, Pampanga. Aniya, hindi na siya nag-invite ng mga ambassador dahil kung sino na lang ang makaalala at available.

Sinabi rin ni Ms Rei na abangan ang malalaking artista na ilulunsad nila bilang bagong ambassadors.

Naku sino-sino kaya ang mga ito? Nakaka-excite. Abangan.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …