Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andres Muhlach Vice Ganda Aga Muhlach

Vice Ganda natipuhan si Andres para sa It’s Showtime

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAKAAALIW talaga si meme Vice Ganda.

Nang maging bisita niya sa kanyang vlog si Aga Muhlach who is busy promoting his movie with Julia Barretto, diretso niyang sinabi na kukunin niya si Andres for It’s Showtime.

Tutal naman daw nasa Eat Bulaga na ang kakambal nitong si Atasha, kukunin niya si Andres para sa show nila.

Na kesyo si Ion Perez na lang ang natitirang guwapo sa show dahil matatanda na sina kuys Vhong Navarro at Jhong Hilario at hindi naman matangkad si Ogie Alcasid hahaha!

At dahil mukhang magaling daw magsayaw ang anak ni Aga, bagay daw siyang maka-tandem ni meme Vice sa Magpasikat contest nila.

Tawa lang ng tawa si Aga pero mukha namang gustong seryosohin ni Vice ang alok niya.

Bakit nga ba hindi ‘di ba? Kuwela ‘yun kapag nagkataon. Magkaiba naman ng audience sina Atasha at Andres. Sige nga meme, ituloy mo iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …