Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dominic Roque

Dominic nakatira raw sa isang bongga at pang-mayamang condo; kontrobersiyal na politiko may-ari?

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SA hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque, lumalabas na tila ang huli ang higit na may problema. Siya itong mas nagiging nega sa madla at dahil bigger star si Bea at babae, napupunta ang simpatiya ng majority.

Medyo nakakaloka lang ‘yung tsika na pina-imbestigahan umano ng pamilya ni Bea si Dom. At doon nga nabuking na nakatira umano ito sa isang bongga at pang-mayamang condo na nakapangalan sa isang kontrobersiyal na politiko. 

One plus one leads to another at napatanong nga raw ang lahat sa kung saan nga ba raw kumukuha ng pera at trabaho si Dom na nakakapag-buhay hari gayung hindi naman daw ito ganoon ka-active sa showbiz at wala ngang nakaka-alam ng mga businesses nito?

Sa latest socmed post ng aktor, nakiusap ito sa netizens na itigil na ang bashing at ipinagtanggol pa si Bea.

Sinabi pa nitong baka raw sa ibang lifetime ay puwede pa sila kaya’t nag-conclude na nga ang lahat, na imposible na silang magbalikan.

Sa kabilang dako, may mga report namang nagsasabi na handang magpatawad si Bea at tanggapin muli si Dom.

Luh, kuwentong teleserye ba ito o pelikula?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …