TAMA naman ang ginawa ni Marian Rivera na sagutin at pagsabihan ang mga fake quote na naglalabasan na galing daw sa aktres.
Marami ng pagkakataon na nagagamit si Marian at ibang celebrities sa mga ganitong usapin. Sadyang hindi na rin yata maaawat ang mga ganito despite the number of reports sa socmed (FB, IG etc) na ginagawa ng mga concern netizen.
May latest quote nga na nag-vi-viral galing daw kay Marian patungkol sa mga biyenan na hindi nagsusulsol sa mga lalaking anak.
Never itong sinabi ni Marian kaya’t agad niyang niresbakan ang post na gamit pa ang kanyang socmed account.
Hay naku, ano ba kasi ang ginagawa ng ahensiyang dapat ay nagpuprotekta sa tila nagiging kultura na ng mga walang edukasyong Pinoy sa paggawa ng fake news?