MATATALINO at kitang-kita ang klase ng pagpapalaki ng parents nila kina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Princess Aliyah, at Bryce Eusebio, ang bagong teen tandems ng Sparkle GMA Artist Center.
Mga teenager na ang dating mga child star at heto nga, Tiktok sensations sila by having millions of views, supporters and fans na kilig na kilig sa tandem nila.
Listening to the way they answer questions, sure kaming hindi maliligaw ng landas ang mga bagets na soon ay magkakaroon ng series nila sa Tiktok.
Sey nga mga taga-Sparkle na nagma-manage sa kanila, “we are giving them the platform. Doon sila may following sa Tiktok kaya roon din natin uumpisahan ang journey nila as young tandems.”
At dahil mga menor de edad pa nga ang mga ito, bukod sa kanilang parents o guardians na laging naka-alalay, tinitiyak ng Sparkle na pam-bagets lang muna ang mga exposure nila.
Ang tambalang Marco-Ashley ay tatawaging AshCo, habang PryCe naman sina Princess at Bryce.
Welcome young peeps.