Friday , November 15 2024
Gun Fire

Trike driver dedbol sa dalawang bala

DEAD-ON-THE SPOT ang isang lalaki matapos barilin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa bahagi ng lansangan sa Brgy. Bagong Barrio, Pandi, Bulacan kahapon ng umaga, Pebrero 5.

Sa ulat mula sa Pandi Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktima na si Fernando Lasco y Bulanadi, 55, may-asawa, tubong Candaba, Pampanga at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Siling Bata, Pandi, Bulacan.

Napag-alaman na humigit-kumulang alas-10:15 ng umaga, habang sakay ng minamanehong tricycle ang biktima ay biglang sumulpot ang salarin at pinagbabaril ito ng dalawang beses.

Ayon sa mga nakasaksi sa krimen, matapos matiyak na napuruhan ang biktima ay mabilis na tumakas ang salarin sa hindi pa malamang direksiyon.

Samantala ang mga intel operatives at investigation personnel ng Pandi MPS ay kaagad nagsagawa ng pagsusuri sa mga CCTV footages upang makilala ang suspek habang ang mga patroller ay naglatag ng local dragnet operation para sa posibleng pagdakip sa suspek. 

Gayundin ay hiniling ng IOC sa SOCO na iproseso ang pinangyarihan ng krimen habang patuloy pa rin ang follow up operation ng pulisya para makilala ang mga suspek at motibo sa krimen. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …