Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
CreaTV Management Inc Ser Geybin Gavin Capinpin Edmar Estavillo Norvin dela Peña Vin FPV

Ser Geybin ikokonek vloggers, bloggers, Youtubers, influencers sa mga negosyo/brand

MAY bagong venture na pinasok ang sikat na content creator na si Gavin Capinpin (na mas kilala bilang si Ser Geybin) at ito ay  ang CreaTV Management Inc. na isa siya sa mga nagmamay-ari at naka-assign bilang CMO o Chief Marketing Officer.

Lahad ni Gavin, “Ginawa po ang CreaTV Management para po makatulong sa bawat isa, win-win situation parati and also nakita ko rin po kasi na oo nga po parang wala pang ganito na nangyayari.

“Sobrang saya ko lang po dahil naging part po ako ng umpisa and sa pagtaas po nating lahat sana magkakasama pa rin po tayong lahat and sana mas madagdagan po tayong lahat.”

Ang CreaTV Management Inc. na isang influencer management company ay naglalayong ikonek ang mga talentadong content creators (vloggers, bloggers, Youtubers at iba pa) at influencers sa mga brand at mga businesses o negosyo.

Nag-aalok din  ang CreaTV Management Inc. ng social media management at troubleshooting services sa mga content creator at influencer.

Ang dalawa pang partners ni Gavin (na may 8.6 million Facebook followers, 7.7 million Tiktok followers, at 3.61 million Youtube subscribers) sa CreaTV Management Inc. ay ang negosyanteng si Edmar Estavillo at ang sikat na vlogger na si Norvin dela Peña na kilala bilang si Vin FPV na may 9 million Facebook followers, 1.9 million Tiktok followers, at 1.08 million Youtube subscribers.

Si Norvin naman ang tumatayong COO o Chief Operating Officer ng kompanya.

Mga sikat ding content creators ang mga nakababatang kapatid ni Gavin na sina Allen (Chief Allen) at Kelzy Capinpin (Capt. Kelzy), maging ang ina nilang si Beth Capinpin (Mama Beth).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …