Sunday , December 22 2024
Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez

Sen Bong ‘ander de saya’ pa rin

RATED R
ni Rommel Gonzales

ACTION/comedy man ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay may lesson na matututunan ang televiewers.

Lahad ni Sen Ramon ‘Bong’ Revilla na bida rito, “Well ang moral lesson naman palagi ‘di ba sa relationship ng mag-asawa kailangan ‘yung tiwala ‘no, pagmamahal sa isa isa’t isa dahil kung puro selos katulad  ni Gloria [Beauty] mapatingin lang ako ng kaunti sa mga itsura nila Herlene, nila Celeste, kaunting ano lang naroon na agad si ‘Tolome!!!’

“‘Yung mga ganoon dapat ano, ‘yung tiwala sa asawa.”

Gumaganap na selosang Misis ni Tolome (Senator Bong) si Gloria (Beauty Gonzales) na nasa cast din ang dalawang beauty queens na sina Herlene Budol (2022 Binibining Pilipinas 1st runner-up) bilang si Mia at Celeste Cortesi (Miss Universe Philippines 2022) bilang si Diamond Ricci.

May pagkakaiba ba ang karakter ni Tolome sa unang season at dito sa pangalawang season?

Well definitely iyon pa rin, ander de saya pa rin siya,” at natawa si Senator Bong, “pero naiba dahil, kasi ayoko namang maging spoiler ano, pero makikita niyo naman, magbabaligtad kami ng character ni Beauty, nakita niyo naging pulis siya,” pagtukoy ni Senator Bong sa mga eksenang ipinakita sa trailer ng serye during the mediacon.

Pagpapatuloy pa ng Senador, “So abangan na lang natin iyon, marami kaming twist sa story na ipakikita at maraming matututunan na aral.

“Iyan ang goal natin, hindi lang tayo magpapatawa at magpapakita ng malalaking aksiyon, kumbaga may mga moral lesson din na mapupulot sa ating kuwento.”

Isang malaking tagumpay ang season 1 ng WMNPSMNM, nape-pressure ba sila na higitan o pantayan man lang ang tagumpay ng unang season?

Siguro naman sa nakita niyo ‘no [sa trailer] ang laki ng season 2 natin, mas pinaganda… ‘yung pinakamahirap talaga is to surpass the first one pero sa tingin ko na-surpass natin ‘yung season 1.

“At sa galing ng mga artista natin mas kabagang na ng bawat isa, galaw pa lang alam na, nasamahan pa tayo ng ibang magagaling na artista…”

Nasa cast din sina Carmi Martin as Lucing, Jestoni Alarcon as Police Colonel Gener Alberto, Ejay Falcon as Police Captain Ace Catacutan, Liezel Lopez as Jacqueline “Jacq” Dela Torre, Niño Muhlach as Sergeant Sylvester Salonga, Dennis Padilla as Police Major Vincent Policarpio, Maey Bautista as Kapitana Candida, Raphael Landicho as Kiko, Nikki Co as Dustin, Angel Leighton as Master Sergeant Pretty Competente, Jeffrey Tam as Onofre “Bunso” Batumbakal.

Special guest stars naman sa serye sina Max Collins as Elize, Kelvin Miranda as Gary,  Dion Ignacio as Blake,  Lianne Valentin as Atty. Loretta Montecillo, Mika Salamanca as Megan Espinosa, at Sanya Lopez as Mildred Darlene Yabut pati na rin sina Ramon Christopher Gutierrez as Redentor Pigsart, ER Ejercito as Juancho “Kamao” Dehado, Roi Vinzon as Vito Poblete, Jay Manalo as Pancho Blanco, Antonio Aquitania as Rafael “Paeng” Advincula, Brent Valdez as Alfred, MJ Ordillano as Harry, at Michael De Mesa as Luther Abueva.

Napapanood ito tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …