Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Under Ground Battle mixed martial arts
TINALAKAY ni UGB Chief Executive Officer (CEO) Ferdinand Munsayac (gitna) ang progreso ng (MMA) kasama sina UGB MMA Corporation Chief Operating Officer Perla Mae Tagacay at Nelito ‘Tito Nel’ Talavera, ang CEO ng pinakabagong sangay ng UGB sa grassroot level – ang Blaze Fighting Championship sa kanilang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa VIP Room ng Rizal Memorial Coliseum. (HENRY TALAN VARGAS)

Under Ground Battle mixed martial arts

MULA sa baba, hanggang sa professional stage, asahang makikibahagi ang Under Ground Battle sa ngalan ng progreso at kalinangan ng mixed martial arts (MMA).

Ito ang panunumpang hindi aatrsan ni UGB Chief Executive Officer (CEO) Ferdinand Munsayac kasabay nang pahayag na mananatili ang UGB para mabantayan, maalagaan at maprotektahan ang sports ang mga Pinoy fighters sa local man o international arena.

“From simple practitioner, naging passion na natin ang MMA at sa nakalipas na 11 taon mula nang mabuo naming ang kumpanya, hindi kami titigil hangga’t may mga fighters na nagmamahal sa sports at naghahangad na maging kampeon,” pahayag ni Munsayac sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS)  ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa VIP Room ng Rizal Memorial Coliseum.

“Halos 100 fighters karamihan lumalaban na sa mas malalaking MMA event sa abroad ang nagmula sa UGB, hindi ko na sasabihin mga pangalan nila pero  hindi nila maitatangi na mula sa wala, natulungan naming silang mabago ang kanilang buhay at career,” ayon kay Munsayac sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Kasama niyang bumisita sa lingguhang sports forum sina UGB MMA Corporation Chief Operating Officer Perla Mae Tagacay at Nelito ‘Tito Nel’ Talavera, ang CEO ng pinakabagong sangay ng UGB sa grassroot level – ang Blaze Fighting Championship.

Ayon kay Munsayac ang Blaze FC ang magsisilbing talent pool na pagkukunan ng mga bagong talent na sasabak sa UGB pro event na Predator at Juego – isang labanan na gamit ang traditional arnis stick.

“We’re looking April to lunch ng Blaze FC, kakaiba ito dahil nakasentro ito sa mga discipline na ginagamit sa MMA pero individually nakakaligtaan na ng ating mga Kabataan. Hindi lang mga estudyante at mga kabataab ang sakop natin dito, pari yung grupo ng security guard at local government unit, i-involve natin dito,’ sambit ni Talavera.

Aniya, layunin ng Blaze FC na maturuan ang maraming Pinoy na maging bihasa sa self-defense upang magamit hindi lamang a hanap-buhay bagkus sa pang-araw  araw na pamumuhay.

“Kaya magsasagawa muna tayo ng training and seminars bago natin simulant ang mga tournament sa Blaze FC. Gusto natin matulungan ang ating mga barangay tanod at mga security guard na behind sa responsibilidad na magbantay ng property, dapat ding mabantayan ang sariloing kaligtasan, gayundin madagdagan ang kanilang tsansa na may umangat sa buhay,: aniya.

Iginiit ni Munsayanc na sanctioned ng Games and Amusement Board (GAB_ ang lahat ng torneo ng UGB kung kayat makasisiguro na patas ang lahat at matatanggap ng mga fighters ang kaukulang mga premyo.

‘Kung ano ang nasa libro ng GAB, yun ang susundin natin. (HATAW NEWS TEAM)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …