Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Palawan

Palawan Pawnshop

Aligaga at maging sa trabaho ay may bitbit na alalahanin dahil sa marerematang sangla? Hindi na kailangang maging balisa. May solusyon na diyan ang Palawan Pawnshop! Hindi na din kailangang umalis ng bahay o lumisan sa trabaho. 

Sa paghahangad na makapagbigay ng mainam at maayos na solusyon para sa mga suki,  inilunsad ng Palawan Pawnshop, ang nangunguna at pinagkakatiwalaang pangalan sa industriya, ang makabagong paraan para mas mapadali ang paraan ng pagmamanage ng mga kustomer sa kanialang alahas na nakasangla. Ito sa pamamagitan ng Online Pawn Renewal ng PalawanPay App. 

Ang makabagong serbisyo ito ay nagbibigay daan na ma-i-renew  ang mga nakaprendang alahas sa anumang oras at kahit saang lokasyon gamit ang PalawanPay App. Maari pa rin namang  pumunta sa mahigit na 3,300 na branches ng Palawan Pawnshop sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng PalawanPay App, maaari nang i-extend ng mga kustomer ang loan period ng kanilang mga nakasanglang alahas. kailangan lamang kumpletuhin ang mahahalagang detalye sa pawn ticket kagaya ng pangalan, petsa ng sangla, pawn ticket number at  iba pa. Kapag nareview na ang mga detalye, pwede ng iclick ang renew button at magpapadala ito ng successful pawn renewal notification sa nakarehistrong mobile phone. Kayang-kaya rin ng bulsa ang ₱20 renewal transaction fee, napakalaking tipid sa oras, at pamasahe.

Hangad ng Palawan Pawnshop na bigyan ng mura, mabilis at walang kuskos balungos na serbisyo ang kanilang mga suki.   Isa na dito ang ang  automated text notification feature na nagpapaalala sa kanilang mga suki ng kanilang due date at expiration  date ng kanilang sangla, ito ay upang makaiwas sa multa o karagdagang gastos. 

Ang Palawan Pawnshop ay kilala din sa pagbibigay pinakamataas na appraisal at  at pinakamababang interest rate.  Mayroon ang Palawan Pawnshop  na ‘tiered interest rate system’,  sa mababang  1% na interest rate para sa mga pautang na 11 araw, 2% para sa 22 araw, at 3% para sa 33 araw. Ito ay napaka inam at napakasulit na solusyon para sa mga suki.

Bukod dito, ang mga customer na may mga Suki card ay mayroong eksklusibong benepisyo, kabilang dito ay ang hanggang 5% diskwento sa interes.

Para sa karagdagang kaalaman  tungkol sa Online Pawn Renewal at ang PalawanPay App, maaari kang bumisita sa PalawanPay o Palawan Pawnshop Websites  o magtungo sa alinmang sangay ng Palawan Pawnshop na malapit sa iyo. Ang Palawan Pawnshop at PalawanPay ay pinangangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …