Friday , April 18 2025
PNP PRO3

6 pugante nasakote sa Central Luzon

ANIM na personalidad na kabilang sa most wanted persons at  dalawang high-profile na pugante ang nasakote ng kapulisan sa sunod-sunod na operasyon sa Central Luzon.

Ipinahayag  ni PRO3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. na kabilang sa mga nahuli ay sina Juanito Dungo y Estrada (MWP Rank 7 Regional Level, Rank 8 Provincial Level – Bulacan, Rank 1 City Level); at Angelito Sixto y Castro (MWP Rank 10 Regional Level, Rank 2 ).Provincial Level – Zambales, Rank 2 Municipal Level). 

Nahaharap si Dungo sa mga kasong may kaugnayan sa  paglabag sa RA 9165, habang si Sixto ay inaresto dahil sa paglabag sa Acts of Lasciviousness alinsunod sa RA 7610.

Kabilang sa mga naaresto ay sina Joel Canlas y Ocampo (MWP Rank 5 City Level; RA 9165), Delfin Sayno y Cereno (MWP Rank 2 Provincial-Bulacan & Municipal Level; Statutory Rape), Herbert Lopez y Lacap (MWP Rank 3 Municipal Level; 3 bilang ng panggagahasa), at Macky Estacio y Colandog (MWP Rank 9 Provincial Level-Bulacan, Municipal Level Rank 5; RA 9165).

Pinuri ni PBGeneral Hidalgo Jr ang pambihirang pagsisikap ng kapulisan, na binibigyang-diin na ang mga pag-arestong ito ay ang hindi natitinag na pangako ng pulisya ng Central Luzon na itaguyod ang batas at tiyaking mananagot ang mga lumalabag. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …