Tuesday , January 21 2025
Gunrunner tiklo sa mga baril at bala

 Gunrunner tiklo sa mga baril at bala

NAGWAKAS ang iligal na gawain ng isang lalaki na ang pinagkakakitaan ay pagbebenta ng mga hindi lisensiyadong baril nang matiklo ito sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Bulacan kamakalawa.

Mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit (PIU) kasama ang mga elemento ng Baliuag City Police Station ang nagkasa ng entrapment operation sa Brgy. Tangos, Baliuag, Bulacan, dakong alas-11:30 ng gabi, na nagresulta sa pagkaaresto kay alyas Victor, 45, na residente ng Brgy. Sulivan, Baliuag, Bulacan. 

May operatibang nagpakilalang poseur buyer hanggang nagkaroon ng pakikipagtransaksiyon sa suspek na magkita sila para bumili ng baril.

Matapos makipagpalitan ng caliber 38 revolver sa halagang Php 3,000 ay kaagad na dinakip ang suspek na hindi na nakapanlaban o nakatakas.

Ang mga nakumpiskang ebidensya laban kay alyas Victor ay isang caliber .38 revolver (Smith & Wesson) na walang serial number, dalawang pirasong bala ng Caliber .38, isang piraso ng improvised shotgun, isang piraso ng improvised caliber .22 pistol; apat na piraso ng 12-gauge ammunition, isang piraso ng caliber .22 magazine, isang pirasong color black holster, isang pirasong color ash white shoulder bag, at isang unit ng Kawasaki bajaj motorcycle na may plate number 4874 CQ na ginagamit ng suspek sa operasyon.

Dinala sa PIU Office sa Bulacan PPO ang naarestong suspek at ibang ebidensiya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon, habang ang mga nakumpiskang baril ay i-turn over sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa Firearms Identification. 

Inaalam din ng mga awtoridad kung ang suspek ang nagsu-supply ng baril at bala sa mga gun-for-hire group na kumikilos sa Bulacan at karatig-lalawigan.

Ayon kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nakatuon ang Bulacan PNP sa pagpapanatiling ligtas sa mga gawaing kriminal ang isang komunidad. 

Aniya pa, ang kakayahang pigilan ang mga indibiduwal na nag-uudyok ng takot at gumagamit ng karahasan sa komunidad ay nagpapakita kung gaano sila katatag sa pakikipaglaban sa kawalan ng batas at karahasan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Gun poinnt

‘High sa droga’ nagpaulan ng bala; 3 todas, 1 sugatan

PATAY ang tatlo katao habang sugatan ang isa pa matapos pagbabarilin ng isang lalaking pinaniniwalaang …

Lemery Batangas

Dinukot sa Makati
KOREANO NASAGIP SA BATANGAS

MATAGUMPAY na nailigtas ng mga awtoridad ang isang Korean national sa Brgy. Mayasang, bayan ng …

Drug den sa Bulacan binaklas ng PDEA Maintainer, 2 pa tiklo

Drug den sa Bulacan binaklas ng PDEA Maintainer, 2 pa tiklo

WINASAK ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bulacan Provincial Office ang isang …

FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares

Sa FPJ Panday Bayanihan: Interes ng tanod unahin

PARA sa mga tagapagtaguyod ng FPJ Panday Bayanihan partylist group, higit na angkop isulong ng …

Rodante Marcoleta

Rodante Marcoleta Emphasizes Transparency, Accountability, and Strategic Reforms in Governance

Senatorial candidate and Partylist Representative Rodante Marcoleta shared his views on critical national issues during …