Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Katrina Halili Jeremy Guiab

Katrina Halili nagluluksa sa pagpanaw ng BF — Ang daya mo love

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGULAT kami sa Facebook post ni Katrina Halili noong Lunes, January 29.

Larawan ng isang lalaking nakatalikod na tila nasa madilim na kagubatan at naglalakad sa direksiyon ng isang liwanag at may caption na, “Ang daya mo love sabi mo aalagaan mo kami ni katie bakit iniwan mo kami.”

Dahil kaibigan namin ang aktres at ka-Facebook, nag-message kami agad sa kanya at tinanong kung sino ang namatay. Agad naman kaming sinagot ni Katrina at sinabing boyfriend niya ang pumanaw, “Kahapon, heart attack po,” na ikinabigla namin.

Hindi pa isinasapubliko ni Katrina ang relasyon nila ng non-showbiz boyfriend ay ikinuwento na niya dati sa amin na may karelasyon nga siya mula pa noong 2021.

Una ngang napabalita noon ay si John Lloyd Cruz daw ang karelasyon ni Katrina dahil may mga litratong naglabasan ang dalawa pero ang totoo, matalik na magkaibigan ang BF ng aktres at aktor.  Ang tinutukoy namin ay si Jeremy Guiab na dating vice-mayor ng Wao, Lanao del Sur.

At ngayon nga ay labis ang kalungkutan at pagdadalamhati nina Katrina at John Lloyd, na sa edad na 53 ay pumanaw si Jeremy dahil nga sa atake sa puso.

Si Katie, na magtu-12 years old this year, ay ang nag-iisang anak ni Katrina. Si Kris Lawrence ang ama ni Katie.

Natatandaan pa namin sa kuwento ni Katrina dati uk sa kanyang boyfriend, nagustuhan niya ito dahil pareho sila ng ugali at bukod sa magkasintahan ay mag-bestfriend pa sila.

Sa guesting ni Katrina sa Fast Talk with Boy Abunda June of last year, ibinahagi niya na magkatuwang sila ni Jeremy sa pag-aalaga at pagpapalaki kay Katie.

Lahad noon ni Katrina, “‘Yung boyfriend ko ‘yung mas nagga-guide sa akin para alagaan ‘yung anak ko.

“Siya ‘yung mas nagtuturo sa akin kasi stubborn ako, ‘di ba? Stubborn din ‘yung anak ko, so medyo mahirap kaming dalawa.

“Minsan, nawawalan ako ng pasensiya, siya ‘yung mas kalmado. Tinutulungan niya ako talaga.”

Samantala, marami ang bumilib kay Katrina dahil sa pagiging professional nito na kahit nakaburol ang nobyo ay sumipot sa set at nag-tapingsa bago niyang serye sa GMA ang Mommy Dearest.

Kasalukuyan pa ring umeere ang Black Rider na main cast member din si Katrina.

Nakikiramay kami kay Katrina at sa pamilya ni Jeremy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …