Saturday , November 16 2024
Bulacan Police PNP

8 tulak, 7 wanted isinelda sa Bulacan

Arestado ang walong hinihinalang tulak ng ilegal na droga at pitong pinaghahanap ng batas sa serye ng mga operasyon laban sa kriminilad na ikinasa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes ng umaga, 30 Enero.

Ayon sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nasakote ang walong hinihinalang tulak sa serye ng buybust operation na ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Baliwag, San Miguel, Marilao, at Guiguinto C/MPS.

Nakumpiska sa operasyon ang kabuuang 15 plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P38,840 at buybust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga suspek sa korte.

Samantala, nadakip din ng tracker teams ng Meycauayan, Pandi, Balagtas, at San Rafael C/MPS, at Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company, kasama ang 301st MC RMFB 3, ang pito kataong pinaghahanap ng batas.

Inaresto ang mga suspek para sa mga kasong Qualified Theft, iba pang uri ng panlilinlang, pagnanakaw, at paglabag sa RA 9262.

Kasalukuyang nasa kustoduya ng kani-kanilang mga arresting unit/station ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …