Friday , November 15 2024
74 PDLs Madrasah Islamic Educ Zambo Jail

74 PDLs nagtapos ng “Madrasah” Islamic Educ sa Zambo Jail

PINASASALAMATAN ng National Commission for Muslim Filipinos (NCMF) ang hakbangin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pagkilala sa “Mardrasah” Islamic education, sa loob ng Zamboanga City Jail Male Dormitory — nakapagpatapos ng 74   persons deprived of liberty (PDLs) —  ang kauna-unahan pangkat ng mga nagtapos sa loob ng piitan.

Inihayag ni Cultural Affairs Division chief Dalhata Musa ng NCMF Regional Office-IX, ang pagkilala ng kanilang ahensiya sa programa ng BJMP, ang ikonsidera ang edukasyon sa Islam para sa mga nakapiit na mananampalatayang Muslim sa nabanggit na piitan.

“To the management of Bureau of Jail Management and Penology, may Allah bless you for this Madrasah and may this be the first of many,” pahayag ni Musa.

“You are giving our Muslim brothers an enormous opportunity to fulfill one of the goals of their religion. Little by little, class by class, knowledge after knowledge, you are changing their lives,” dagdag ni Musa.

Sa bilang na 74 graduates, ang pinakamatanda ay nasa edad 61 anyos habang ang pinakabata ay nasa edad 21. Ang naging paksa ng pag-aaral at tinapos ng mga graduate ay mula Tahderiyyah (Arabic alphabet) o ang Al-abjadiyah.

Ayon kay Jail Superintendent Xavier Solda, Zamboanga City Jail Male Dormitory Warden, ang programa na nagsimula noong Hulyo 2023 ay bahagi ng patuloy na isinasagawang jail management reforms sa loob ng mga piitan.

“Our strong desire for the PDL to continue their Islamic education is anchored on the obligation of the State to protect the right to education of every Filipino while consistently promoting the free exercise of religion,” pahayag ni Solda.

“We envision that through the education programs here in Madrasah, we can create a community of compassionate and knowledgeable peacemakers among the PDL under our care,” ayon sa Warden.

Kinilala ni BJMP chief Jail Director Ruel Rivera ang  Zamboanga City Jail Male Dormitory sa kanilang inisyatibo para mapabilang  ang “Madrasah” sa piitan bilang bahagi ng programa ng ahensiya para sa inclusive education at free exercise of religion.

“We applaud this pioneering initiative of Zamboanga City Jail Male Dormitory which stand as a testament of the bureau’s strong desire toward holistic reformation inside our jail,” pahayag ni Rivera.

“Together with our colleagues and the families of PDL, we celebrate this important journey of our Muslim brothers behind bars toward rehabilitation,” dagdag ng Hepe ng BJMP.

Matapos ang seremonya ng pagtatapos kamakalawa, namahagi ang NCMF ng  Holy Quran, sejarah o prayer mats, at mga libro sa mga mag-aaral na PDL. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …