Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Faith C Recto Miss WBO

Faith Recto ng WBO Top Model PH gustong bilhin prangkisa ng Binibining Pilipinas

RATED R
ni Rommel Gonzales

SI Querubin Gonzales ang reigning Miss WBO (World Beauty Organization) Top Model Philippines 2023 na ang pageant ay idinaos noong Nobyembre 2023.

Apatnapu’t tatlo silang kandidata na naglaban-laban para sa korona at si Querubin, na representative ng lalawigan ng Marinduque ang nagwagi.

Runners-up ni Querubin sina Celina Francine Garcia (1st runner-up), Kheila Sarmiento (2nd runner-up) at Hazel De Leon (3rd runner-up). Special awardee naman si Czar Burgos bilang Miss Mahalin Natin Ang Pilipinas.

Ang Maharlika Productions, with its President and CEO Faith C. Recto, ang presenter ng WBO Top Model Philippines na siya ring official franchise holder ng World Beauty Organization’s annual Top Model Of The World competition na may headquarters sa Panama sa South America.

May showbiz exposure na si Querubin.

Host po ako sa TV5 actually, sa ‘Lunch Out Loud.’

“Kasi grand winner po ako roon, sa ‘Buhay Artista,’ so I was given the chance to host for three months, kaya nagustuhan ko po ang pag-hosting, kaya gusto ko rin pong maging news anchor.”

Ang Lunch Out Loud na naging Tropang LOL ay variety show sa TV5 na umere mula Oktubre 2020 at natapos noong Abril 2023.

Mga host nito sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani at iba pa.

Ikinalungkot ni Querubin ang pagkawala sa ere ng LOL.

Lahad ng dalaga, “Siyempre po, kasi marami po ang taong nawalan ng trabaho, pero nakikita ko naman po sila sa other networks, na masaya pa rin po sila sa ginagawa nila, nagagawa pa rin po nila ‘yung dati nilang trabaho sa ‘Lunch Out Loud.’”

Nang tanungin naman tungkol sa kanyang vision tungkol sa nabanggit na beauty pageant, sinabi ni Faith, “Naisip ko kasi, during my younger years, I was a beauty queen and kayo girls, ngayon, suwerte kayo kasi wala ng height limit. Hindi ko narating ‘yung Binibining Pilipinas kasi maliit ako.

“So I’ve told myself, darating ang panahon, bibilhin ko na lang ‘yung prangkisa para akin na ‘yung beauty pageant. I wanna expand and continue the advocacies that I have started. I want to use this platform to actually…help and share love in my own simple way.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …