PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
TOUCHING din ang mensahe ni meme Vice Ganda para kina Gladys at Christopher.
Talagang ipinagmamalaki ni Vice na original na katabi niya sa upuan si Gladys noong nagsisimula siya bilang hurado sa It’s Showtime. Since then ay sobra na silang naging close.
Sinabi pa nga ni meme na si Gladys lang ang may karapatang manumbat, sumala-ula o magtampo at mang-okray sa kanya dahil feel na feel niya ang pagiging totoong kaibigan nito.
“Bihira po talaga sa showbiz ang makatagpo ng tunay na kaibigan. At isa nga po si Gladys sa talagang itinuturing kong totoo,” sey pa ni Vice na nag-anunsyo ring this 2024 ay gagawa siya ng movie under direk Jun Lana and yes, makakasama niya rito si Gladys.