PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NGAYONG nasa bansa na si Tom Rodriguez, balitang uunahin nitong gumawa ng teleserye muli under GMA 7.
Medyo matagal ding nawala ang aktor after ng mga eskandalong pinagdaanan ng married life nito kasama na ang usapin sa pera.
Ayon sa aming source, may mga hahabulin pa ring mga tao o kaibigan si Tom na naka-deal nito sa pera at nagoyo nga sila.
May mga dokumento lang daw na dapat ilagay sa legal na aspeto, kaya’t bago raw ‘yun ilaban sa korte ay magtatrabaho muna ang magaling at guwapong aktor.
At dahil noon pa namin naibalitang naka-move forward na rin si Carla Abellana (ang kahati sa mga naging gusot ni Tom), sure rin kaming very soon ay magkikita sila at magkaka-usap.
‘Yun nga lang, magkaka-trabaho siguro ay imposible pa.
Welcome back Tomas!