Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Coco Martin

Serye ni Ruru tinatalo na ang kay Coco

RUMOY-TULOY ang pag-arangkada sa primetime ng serye ni Ruru Madrid na Black Rider. Nitong Miyerkoles ay naungusan ng tuluyan ang katapat na palabas. Nagtala ito ng people rating na 12.5 percent sa National Urban TV Audience Measurement overnight ratings nitong January 24, habang 12.2 percent naman ang nakuha ng kalaban.

Buong-puso ang pasasalamat ni Ruru sa Panginoon sa bagong blessing na ito.

Salamat, Ama! Tunay na walang imposible sa ‘yo! Pangako na patuloy kong pagbubutihin ang aking ginagawa nang makapagbigay ng magandang programa, saya, at inspirasyon sa bawat manonood,” saad ni Ruru sa kanyang social media post.

Pinasalamatan niya rin ang mga tao sa likod ng serte at sa mga loyal viewers nito. “Salamat po sa inyong lahat na patuloy na tumututok at nagmamahal. Asahan na mas lalo naming pagandahin ang aming programa para po sa inyo!”

Buhos din ang bumati sa programa at kay Ruru sa good news na ito. 

Say ng isang netizen, “Deserve naman talaga ang mataas na ratings meaning abay madami kaming natangkilik. Napaka husay ni Ruru pati lahat ng artista tsaka hindi umay ung storya! Congrats sa lahat ng bumubuo.’’

Mas marami pa ang dapat abangan sa mga susunod na gabi. Magiging kasangga na nga ba ni Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) si Elias (Ruru)?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …