Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Pusakal na tulak tiklo sa mahigit P.8-M droga

ARESTADO ang isang lalaki na itinuturing na pusakal na tulak ng magkasanib na mga operatiba ng Magalang Police Station Drug Enforcement Unit (MDEU) at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Pampanga PPO sa isinagawang anti-drug operation. sa Magalang, Pampanga kamakalawa.

Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Jose S. Hidalgo, Jr., ang suspek na si alyas Fred, 45 anyos,  naaresto sa buybust operation sa Barangay Lapaz ng nasabing bayan.

Nakuha sa ‘pag-iingat’ ni Fred ang kabuuang 122 gramo ng hinihinalang shabu, may Standard Drug Price na tinatayang nasa P829,600, isang kalibre .38 revolver, isang improvised handgun, at dalawang bala.

Inihahanda ang kaukulang kaso na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2022 laban sa suspek para sa referral ng korte.

Pinuri ni P/BGen. Hidalgo, Jr., ang operating troops at sinabi na ang tagumpay na ito ay nagtatampok sa pangako ng mga tauhan ng PRO3 na labanan ang kalakalan ng ilegal na droga at mapanatili ang kaligtasan ng publiko sa rehiyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …