Monday , December 23 2024
Mahigit P100K na narekober ng janitor sa CR ng mall, isinoli

Mahigit P100K na narekober ng janitor sa CR ng mall, isinoli

NAGPAKITA ng huwarang katapatan ang isang janitor matapos ibalik ang libong cash na pera na nawaglit sa isang mallgoer sa SM City Baliwag sa Baliwag City, Bulacan nitong Enero 25.

Personal na nagpakita sa opisina ng Customer Service ng naturang mall ang janitor na si John David Sulit ( ReCRS Service) para i-turn over ang cash na nagkakahalagang P104,800.00 na nakabalot sa plastic.

Ayon kay Sulit, narekober niya ang nasabing plastic na may lamang pera mula sa urinal’s ledge habang ginagawa ang kanyang gawain sa isa sa mga male comfort room.

Mabilis na naibalik ang pera sa may-ari nito na si G. Ramil Manalastas ng Mapaniqui, Candaba, Pampanga, na nagpahayag ng kanyang pasasalamat kay Sulit at ang buong CRS team para sa pagkabawi ng kanyang pera.

Kasunod nito ay malugod na pinuri ng pamunuan ng SM City Baliwag si Sulit sa kanyang ipinakitang katapatan at dedikasyon sa trabaho.

Noong Hunyo 2021, sa gitna ng pandemya ng COVID 19, ibinalik din ng security guard na si Rodel Victorino ng SM Center Pulilan ang wallet na naglalaman ng P46,798.00 na kanyang natagpuan habang naka-duty. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …