ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NAGPAHAYAG ng sobrang kagalakan ang aktor-direktor-producer na si Romm Burlat sa nakuha niyang nomination sa gaganaping 15th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Masayang kuwento niya sa amin, “Ang song na na-nominate sa akin ay ang Sarili’y Pagbigyan, para sa category na New Male Recording Artist of the Year.
Ang nominees sa kategoryang ito ay ang mga sumusunod:
•Bernie Batin- Pabili Wanpipte | Ivory Music and Videos
•Jaycee Domincel Hanggang Saan Mo Ako Mamahalin- Mart-O Music Production
•Johnrey Rivas – Twinkle Star | Philstagers Productions
•Kim De Leon – Safe With Me | GMA Music
•Raven – Tayo Pa Rin Talaga | Sony Music Philippijes
•Romm Burlat- Sarili’y Pagbigyan | TTP Productions
•Wize Estabillo- Mekaniko ng Puso | Star Music
Paano niya ide-describe ang song na ito?
Esplika ni Direk Romm, “Ito’y isang light ballad na song, that emphasizes on taking care of yourself. Okay naman iyong magmahal at tumulong ka sa iba, pero dapat ingatan natin ang ating puso.”
Nalaman din namin sa maigsing tsikahan kay Direk Romm thru Facebook na ito ang unang single niya na mula sa composer na si John Ray.
“Actually, ito ang una kong single, pero magre-record ako ng tatlong songs next month.”
Ano ang na-feel niya nang nalamang nominated siya sa Star Awards for Music?
“Sa totoo lang, hindi ako mapakali… Tiningnan ko lahat ng mga posts ng mga PMPC officers just to validate kung nominated ba talaga ako.”
“Iba iyong feeling kasi singing ito at no less than sa PMPC pa galing, may prestige talaga. Kaya sobrang happy talaga ako and very thankful sa mga bumubuo ng PMPC at sa kanilang Star Awards for Music,” masayang dagdag pa niya.
Isa siyang direktor, writer, producer at aktor, tapos ngayon ay singer na rin, ano ang priority niya talaga?
“Ang pagiging director and actor ko ang first and foremost talaga,” matipid na pahayaga niya.
Inusisa rin namin kung kailan siya nagsimula bilang singer at maging recording artist.
Pahayag ni Direk Romm, “Noong kabataan ko ay kumakanta na talaga ako. That time, bale sumasali na ako sa mga singing contest. Pero noong nag-high school at nag-college ako, nag-switch ako sa dancing which nag-grand champion din ako.
“As a recording artist naman, nag-umpisa ako early last year lang.”
Since direktor din siya sa pelikula, hindi niya ba ikino-consider na gawing theme song sa movie niya ang mga kantang kanyang inire-record?
Sambit ni Direk Romm, “Actually, ang song na Sarili’y Pagbigyan ang theme song ng pelikula kong Manang, which stars Julio Diaz, Sabrina M, Janice Jurado, at Ms. Tess Tolentino.
“Ako rin ang director sa music video nito.”
Pahabol pa ni Direk Romm, “Bale, sa March pa ipapalabas iyong pelikula naming Manang, sa streaming app.”
Incidentally, congratulations kay Direk Romm. sa matagumpay na pagdaraos ng unang Philippine Distinct Men and Women of Excellence awards last December 28, 2023 na ginanap sa Manila Grand Opera Hotel & Casino.